True test of faith and friendship
Kung nais mong maibalik ang pagtitiwala at dating samahan, muli kang umakyat mula sa ibaba hanggang sa tugatog ng talaan ng pakikipagkaibigan. Kung may nais kang patunayan, muli kang lalakad sa mga basag ng salamin, tulad ng nabasag na tiwala at pagmamahal.
Patunayan mong nararapat ka na muling ituring na isa sa pinakamatalik at pinakapinagkakatiwalaan; isa sa mga pinakamamahal at pinagpipitagan.
Minsan lang ibigay ang pagkakataon. Ngunit ang pagkakataon ay walang ipinangangakong pagbabalik ng nakalipas. Kapatawaran lamang at hindi paglimot ang nakalaan.
Hindi sapat ang paumanhin. Dahil puso at kaluluwa ang sa iyo ay inilaan sa ngalan ng pakikipagkaibigan.
Thursday, October 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Your thoughts