Pages


Monday, December 13, 2010

Pampataba ng puso

Sandamakmak ang trabaho ko ngayon.

In fact, sandamakmak is an understatement. Tatatlo ang tao ko pero naka-launch ako ng isang malaking portal. Na pumapalo na ng 2.5 million unique users in total. Kileg ka!

Sa wakas --- dadagdagan na rin ako ng tao. Inexpand na din ang scope ko.
Empire-building daw, kantyaw ng bagong boss. Not exactly. I need the empire for me to deliver.

Kapag reliable ka, dumadami din ang trabaho mo. Carry lang. Mas gusto ko 'yon.

Pero hilahod ako sa pagod. Dahil marami rin akong issues, mas gusto ko na sumubsob na lang sa trabaho ngayon. Hindi lang train of thought ang nasa utak ko ngayon. Trains and trains of thought. Makakabuo na nga ako ng isang railway system.

Anyway, I'm digressing. Kahit na sandamukal at ga-Mt. Everest ang trabaho, masayang makakuha ng positive feedback. Hindi lang sa mga bossings pero galing sa tao.

"Iba ka, Ma'am. Bilib ako sa 'yo." Translate na lang natin sa Tagalog. Focused sa trabaho pero makatao pa din.

Salamat. At least nararamdaman ng tao ko na mahal ko sila --- their interest is at the forefront. Madami ring gustong lumipat sa team ko. Flattering.

Minsan, naiinis ako sa dami ng gagawin. Dahil pare-pareho ang mga tao na madaming ginagawa - at naturalmenteng kasama ko 'don. But at the same time, masayang makarinig ng magandang feedback. Masayang malaman na mahal ka ng team mo. Nawala ang pagod ko sa pag-karir ng strategy namin buong weekend. Nakurta utak, pero mataba ang puso ko.

At oo --- Tagalog dahil meron ng international audience. At kahit na i-Google translate nila, kailangan pa nilang mag-effort.

Maganda ang Lunes ko.

Happy. =)

At oo, subsob na lang ako sa trabaho.

2 comments:

  1. Patawa ka talaga. Panalo! Congrats sa launch ng portal. Uwi ka na!!!

    ReplyDelete
  2. habang binabasa ko ito , hindi ko maaruk na kaya mo palang magsulat pa ng malalim na tagalog, di bale kahit pagod ka sa work alam ko naman magiging masaya ka sa pag uwi mo sa Pinas, advance Merry Christmas!

    che

    ReplyDelete

Your thoughts