Kabog ng dibdib
Pagdating sa career at karir, hindi talaga puwedeng kalahati lamang ng pagkatao ang nakalaan.
Ewan ko, pero kung sa akin lang, hindi ko kaya na hindi ibigay ang lahat pagdating sa trabaho at pag-ibig. Kailangan buong puso at kaluluwa ang itinataya.
Kahapon, meron na naman akong BIG THING.
Sa sobrang tensyon sa paghihintay at paghahanda, nilagyan ko pa ng sweetener ang matamis na talagang café mocha.
Good luck – parang magkakaroon ako ng instant diabetes sa tamis ng kape. At huwag ka, umorder ako ng dalawang café mocha. Eh di lalong dumagundong ang dibdib ko sa nerbyos.
Para na ring gusto kong bigyan ang sarili ko ng atake de corazon.
Masaya. Mabuti at magaling ang resulta ng aking paghihintay at pagpupuyat.
Hindi talaga ako pwedeng half-baked. Nakukuha ko lang ang gusto ko kapag buo ang puso at isipan sa pagbibigay.
Never settle for mediocrity talaga.
So tama ako all along.
Sobrang ang kabog ng dibdib ko.
Pero sa naging resulta, sulit ang lahat.
Masaya ang pagbubukas ng weekend.
No comments:
Post a Comment
Your thoughts